Tuesday, November 23, 2010

pasko naa :>


        Mga pampaskong kanta sa mga radyo at telebisyon, mga kumukuti-kutitap na ilaw kung saan-saan sa kalsada, malamig na simoy ng hangin at mga pagkaing tuwing pasko lamang matitikman, isa na rito ang aking paboritong pagkaing pampasko, at sigurado naman akong alam niyo din, ang BIBINGKA :D

        Ang bibingka ay gawa sa malagkit na bigas o tinatawag na“ogalapong” at gatas ng buko. Ito ay may iba’t ibang klasipikasyon depende sa tindahan ngunit ang aking pinakapaborito ay ang bibingkang may maraming keso, itlog na pula at itlog hoho. Ito ay niluluto gamit ang isang itsurang palayok na yari sa putik. Ang pagluto dito ay hindi ang typical na pagluluto dahil imbis na nasa ilalaim nangagaling ang init o apoy, sa taas nangagaling ang init na gawa sa bakal na nilalagyan ng uling. Ang karaniwang sangkap ng bibingka ay harina, asukal, gatas ng buko, mantika nutmeg. Ang mga keso, itlog at iba pa ay pandagdag na lamang at depende na lamang sa panlasa ng kakain. Ang paglagay ng asukal o niyog sa ibabaw ay dalawa lamang sa kilalang “toppings” ng bibingka. Isa sa aking mga nakagawian ay ang paglagay ng cheese wiz sa ibabaw nito upang mas mapasarap nito. Haha

       Ang bibingka ay bihirang matikman dahil ito ay pagkaing napapanahon lamang, kaya naman dapat huwag nating palampasin ang pagkakataon upang matikman ito. Dapat din tayong maging mapageksperimento upang mas mapasarap ang pagkain nito. Tulad ko, try niyo din ang paglagay ng cheese wiz, proommisse ang sarap =)))) :>